NAGA CITY- Inirekomenda ngayon ng Department of Health – Center for Health Development (DOH CHD-Bicol) na isailalim sa panibagong COVID-19 Classification ang probinsya ng Camarines Sur.
Ito’y matapos ang nakakaalarmang paglobo ng kaso ng nakakamatay ng sakit sa nasabing probinsya.
Una na rito, ilang mga bayan, kasama na ang lungsod ng Naga sa isinailalim sa moderate risk to COVID-19.
Sa ipinalabas na memorandum ng DOH, kabilang sa isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang 18 na bayan at 2 lungsod.
Samantala, apat na bayan naman ang isailalim sa GCQ habang walong bayan naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ)
Sa ngayon, hinihintay na lamang umano ang magiging desisyon ng Bicol Inter Agency Task Force for COVID-19 at ng mga local chief executive sa naturang probinsiya.