NAGA CITY – Kinumpirma ng DOH-CHD Bicol an pinakaunang dalawang kaso ng Omicron Variant sa rehiyon na parehong naitala sa probinsya ng CamSur.
Sa ipinalabas na post ng ahensya, ang unang kaso ay nadetect sa isang 27 anyos na babae sa Bombon sa nasabing lalawigan, isang office worker sa Manila.
Isinailalim sa test ang pasyente noong Disyembre 14, 2021 at lumabas ang resulta na nagpositibo na ito sa virus kinabukasan.
Napag alaman na asymptomatic ang nasabing pasyente at fully vaccinated na gamit ang sinovac vaccines.
An pangalawa naman na kaso, nadetect sa isang 46 anyos na babae, school staff member sa bayan ng Tigaon.
Napag alaman na una nang nagpositibo sa Delta Variant ang pasyente at nang magsailalim muli sa test, dito na ito nagpositibo sa Omicron.
Nakaeksperyensya naman ang pasyente ng mild signs at symptoms ng sakit noong Nobyembre 16, 2021.
Base pa sa pahayag ng ahensya, wala namang travel history ang pasyente sa abroad o maging sa Maynila.
An nasabing pasyente bakunado rin ng sinovac vaccine.
Samantala, nilinaw naman ng DOH-Bicol na pareho ng recovered ang mga dalawang pasyente sa nasabing virus.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga local health authorities para sa agarang tugon at ipinag-utos na rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.