NAGA CITY- Makikipag ugnayan narin umano ang Department of Health – Bicol sa Maritime Industry Authority (MARINA) para sa mahigpit na monitoring na mga pasahero na pumapasok sa rehiyon upang matiyak na wala itong dalang sakit tulad ng 2019 Novel Coronavirus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay DOH Bicol Regional Director Ernie Vera, sinabi nito na una na silang nakipag ugnayan sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa kaparehong usapin.
Bukas ay inaasahang naman aniyang mapag uusapan ito sa gagawing pagtitipon sa Office of the Civil defence kasama ang MARINA.
Ayon kay Vera, magkakaroon ng information campaign sa mga ahensya upang mabigyan din ng dagdag na kaalaman ang mga pasahero sa naturang sakit.
Aniya, may mga ipamimigay na advocacy material bilang bahagi ng pagbabantay sa mga pasahero at kung sakaling mayroong namataang may sakit ay agad na ipagbibigay alam sa DOH.Top