Ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Atty. Frederick Vida ang ilan sa mga paunang resulta ng imbestigasyon ng Special Panel of Prosecutors kaugnay ng mga naganap na insidente sa Senado noong Mayo 13.

Ayon kay Vida, lumitaw sa initial findings ng prosekusyon na hindi naman umano nasa ilalim ng pag-atake ang Senado o ang gusali nito noong gabi ng insidente.

Dagdag pa niya, hindi rin umano katanggap-tanggap ang naging aksyon ng Office of the Sergeant-at-Arms ng Senado na nauwi sa pagpapaputok ng baril sa loob ng naturang pangyayari.

Samantala, nagbabala ang DOJ sa mga indibidwal na umano’y tumulong kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa upang makaiwas sa pag-aresto. Aniya, maaaring managot sa batas ang sinumang mapatutunayang sangkot sa pagtulong sa pagtakas ng isang taong may kinahaharap na warrant of arrest.

Advertisement

Ang usapin ay kaugnay ng pagkakasapubliko ng selyadong arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa mambabatas.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye ng insidente at ang mga posibleng pananagutan ng mga sangkot.

Advertisement