NAGA CITY- Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Bicol na hahatiin sa dalawang tranche ang P55 pesos wage hike sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Johanna Gasga, tagapagsalita sa naturang ahensiya, inaasahan na magiging epektibo na sa buwan ng Hunyo ang dagdag sa sweldo na P35 habang sa Disyembre 1 man ang dagdag pa na P20.
Mababatid na nagpalabas ang DOLE ng abiso ng P55 wage hike sa rehiyong Bicol nitong Martes, Mayo 23.
Aniya, pampribadong kompanya lamang ipapatupad ang nasabing dagdag-sahod dahil ang mga private workers and employers lamang ang sakop ng kanilang hurisdiksyon.
Paglilinaw pa ni Gasga na ang mga minimum wage earners lang ang sakop ng wage hike nangangahulugan na kung ang pinapapasweldo ng isang kompanya sa mga empleyado ay above minimum, depende na umano sa mga kompanya kung magbibigay pa ang mga ito ng dagdag na sahod.
Samantala, kung hindi susunod ang mga employers sa wage hike na ito, bibigyan muna ng DOLE ng notice of compliance ang kompanya sa laog nin 30 working days ngunit kung magmatigas pa umano dito, ang ahensiya na ang papataw ng kaso.