NAGA CITY- Nagsimula nang buksan muli ang mga domestic flights sa Kazakhstan matapos ang ipinatupad na lockdown dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sa report ni Bombo International Correpondent Loela Florida, sinabi nitong kahapon ng magpatuloy ang mga domestic flights sa naturang bansa habang pinag-aralan naman kung kailan isusunod ang International Flights.
Ayon kay Florida, kumpara sa ibang mga bansa, maliit lamang ang bilang ng kaso sa bansa kung saan umabot lamang ito sa 3,597 habang 922 rito ang nakarekober at 25 lamang ang namatay.
Sa kabila nito, mahigpit parin aniya ang pagbabantay sa mga border ng bansa para matiyak na walang makakapasok na carrier ng sakit.
Samantala, inaasahan namang magtatapos ang repatriation sa mga Pinoy sa darating na Mayo 15.