NAGA CITY – DEAD-ON-ARRIVAL ang isang motorcycle driver matapos mabundol ng isang SUV sa Catanauan-Buenavista road, Sitio Capinay, Brgy. San Roque, Catanauan Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ruel Tambor Auregue, 34-anyos, residente ng Brgy. Tagabas Ibaba, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Auregue ang pakurbadang bahagi ng nasabing kalsada patungo sa kasentrohan ng Catanauan ng mabundol itong ng SUV na minamaneho naman ni Joselito Baldeo Pena, 33-anyos, residente rin ng Sitio Sapang Kawayan, Brgy. Anusan, sa nasabi ring bayan mula naman sa kabilang direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa pangyayari nagtamo ng malalang sugat sa kaniyang ulo ang biktima na agad naman sanang dinala sa ospital para sa asistensya medikal ngunit idineklara ring sanang dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.