DEAD-ON-THE-SPOT ang isang driver matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong pick-up vehicle habang sugatan naman ang dalawang kasama nito sa Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Juris Perez, 31-anyos, residente ng Interior Street, Brgy. Abella, Naga City habang ang mga sugatan naman ay sina Mark Dales Carpio, 33-anyos, residente rin ng nasabing lungsod at si Jerick Francisco Del Castillo, 25-anyos, residente naman ng Calabanga, Camarines Sur.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Michael Broso, investigator ng Ragay Municipal Police Station, sinabi nito na habang binabagtas nina Perez ang south bound direction mula sa Manila NCR pabalik ng lungsod ng Naga nang bigla na lang sumabog ang kaliwang gulong sa unahan ng nasabing saksakyan na nag9ing dahilan para mawalan ng kontrol si Perez sa minamanehong saksakyan na naging dahilan naman ng pagbaliktad nito.

Dahil sa lakas ng impact ng aksidente, agarang binawian ng buhay si Perez habang nagtamo naman ng mga sugat sa kanilang katawan sina Carpio at Del Castillo.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.