NAGA CITY- Patay ang driver habang sugatan naman ang backrider nito matapos na aksidenteng mag-overshoot sa isang drainage canal sa Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Angelica Ayubo at ang nasugatan na si Marjorie Tirao, parehong residente ng Brgy Buluang, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ni Ayubo kasama ang kaniyang backrider na si Tirao ang kahabaan ng National Road ng Que Opos St., Brgy. San Vicente papunta sa Baao Poblacion gamit ang pignagmamanehong motorsiklo nang aksidente itong mag-overshoot sa drainage canal sa tabi ng kalsada na naging rason upang tumilapon ang dalawa ilang metro mula sa nasabing motor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawa na nagresulta ng agarang pagkamatay ni Ayubo habang agad namang dinala sa ospital ang backrider nito na si Tirao upang gamotin.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.