NAGA CITY – Patay ang isang driver matapos pagbabarilin sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Dennis Avendaño Amat, 48-anyos, residente ng Brgy. Isabang sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang papasok na sa subdivision patungo sa kanilang bahay ang biktima sakay sa kaniyang motorsiklo nang bigla na lamang dumating ang dalawang suspek sakay sa isa ring motorsiklo at walang habas na pinagbabaril si ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng mga tama ng bla ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Amat na agad naman sanang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal, ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, matapos ang insidente, agad na tumakas ang mga suspek papaunta sa may bahagi ng Sariaya, Quezon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa pagkakakilanlan at posibleng kinalalagyan ng nasabing mga suspek.