NAGA CITY- Patay ang magkapatid matapos mauwi sa engkwentro ang anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa Zone 3 Diversion Road, Brgy. Bahay at Busac, Libmanan, Camarines Sur

Kinilala ang mga suspek na sina Rodolfo Narciso Jr. at Ruel Narciso na pawang mga taga lungsod ng Naga.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na isinagawa nag naturang operasyon ng pinag-isang pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit, Libmanan-PNP at Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon sa report, sa gitna ng operasyon, nakabili ang puseur buyer ng nagkakahalaga ng P50,000 shabu ngunit bigla itong nauwi sa palitan ng putok matapos subukang manlaban ng mga suspek.

Nabatid na maliban sa buy-bust item, nakarekober pa ang mga otoridad ng limang malalaking sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P1.5 million.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.