NAGA CITY – Nadagdagan na ang pondo na inilaan ng National Office ng Department of Social Welfare and Development sa DSWD-Bicol.
Dahil dito, mula sa dating pangalawa bilang pinakamahirap na opisina nang ahensya kasunod ng DSWD Office sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao bumaba na ito sa ika-anim na pwesto.
Sa naging kapahayagan ni Atty. Michael Gerome Bellena, representative ng ng nasabing opisina, sinabi nito na nakatulong umano para dagdagan ng main office ang kanilang pondo ay dahil na rin sa walang humpay na pagsasagawa ng iba’t-ibang mga programa ng kanilang opisina.
Dagdag pa ng opisyal, nasa 27% ng mga barangay sa rehiyon ang geographically isolated and displaced.
Habang ang iba naman sa anim na lalawigan ng rehiyon; Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate ay mayroong nasa 541,137 na mga poor households, kung saan ang pinakamaraming naitala ay sa lalawigan ng Camarines Sur.
Mababatid na ang Camarines Sur ang pinakamalaking lalawigan sa rehiyon at ito ay mayroong pinakamalaking populasyon, batay na rin sa datos o listahan ng DSWD-Bicol.
Kaungay nito, ang nasabing Listahanan ay isang pamamaraan o bastayan upang malaman kung sino ang dapat na tulungan at sino ang mga itinuturing na mahihirap.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 42-M na residente ang natulungan ng nasabing opisina sa Bicol region sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng ahensya.
Sa kasalukuyan, binigyang diin ni Bellena na magpapatuloy ang DSWD para matulungan ang bawat naghihirap na residente na mapabuti ang kanilang buhay at makaalis sa pagiging mahirap na mamamayan.