NAGA CITY- Ibinahagi ng isang opisyal mula sa DSWD ang mga pangunahing batayan upang maging benepisyaryo ng walang gutom program.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Marc Genro Bellena, Planning Officer II ng DSWD, sinabi nito na hindi na illegible ang aktibong 4PS at mga graduate ng programa para sa Walang Gutom Program na isinusulong ng gobyerno.
Gayunpaman, may exemption pa rin dahil kung hindi mapapabuti ng dating miyembro ng 4PS ang kanilang kabuhayan matapos tanggalin sa listahan dahil sa pagdating ng 18-anyos na anak ay maituturing pa ring illegible para sa Walang Hunger Program.
Ayon kay Bellena, depende pa rin ito sa isinagawang assessment ng kanilang ahensya kung sakaling makasali ang isang indibidwal sa nasabing programa.
Sa ngayon, iginiit ni Bellena na ang listahan ay ginagamit ng mga ahensya para sa mga programa at serbisyo ng gobyerno.