NAGA CITY– Kinilala ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang Bombo Radyo Philippines bilang bahagi ng binuong One Bicol o ang pinagsama-samang mga ahensya ng pamahalaan at organisasyon para tumulong sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay DSWD Bicol Regional Director Arnel Garcia, sinabi nitong malaki ang naiambag ang Bombo Radyo sa Communication System.
Aniya, ang Bombo Radyo ang nagbibigay ng mga totoo at tamang impormasyon sa publiko hinggil sa naturang operasyon.
Maliban dito, natutuwa aniya si Garcia na nagkaisa ang mga lokal na pamahalaan, government agencies at iba pang grupo na layuning makapagbigay ng ayuda sa mga nangangailangan.
Nabatid na ilang mga Bicolano ang idinaan sa Bombo Radyo Naga ang kanilang tulong na nais ipaabot sa mga biktima ng pag-alboroto ng bulkang Taal.