NAGA CITY- Ipinaliwanag ng DTI-Camsur ang patungkol sa konsepto sa pagpapatupad ng price freeze.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jay Percival Ablan, Provincial Director ng Department of Trade and Industry Camarines Sur, sinabi nito na sa ilalim ng Price Act ang price freeze ipinapatupad kung mayroong deklarasyon ng state of calamity sa isang lugar.
Kaugnay nito, ang maari umano na magdeklara ng nasabing state of calamity ang local chief executive gaya ng Governor, Mayor o ang Presidente.
Ayon pa kay Ablan, enkaso mayroong deklarasyon ng state of calamity sa isang lugar ang mga basic necessities ang dapat otomatiko na walang paggalaw sa presyo.
Kahit pa umano 1% na paggalaw lamang ito, maituturing na bayolasyon sa nag-iiral na panuntunan.
Sa mga mapapatunayan na nagbalga sa nasabing kautusan, sisilbihan ng notice of violation na kung saan mayroong kakaharapin na penalidad na umaabot sa P5-K hasta P200-K depende sa frequency ng violation at volume ng product na involve.
Sa ngayon, hinikayat na lamang ng opisyal ang lahat na palagiang sumunod sa nag-iiral na batas upang hindi malagay sa alanganin na sitwasyon.