NAGA CITY- Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI)-Camarines Sur na hindi agaran ang pagggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin kung nagkakaroon rin ng paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jay Ablan, Provincial Director ng nasabing ahensiya, sinabi nito na dadaan sa proseso bago ipatupad ang adjustment sa presyo ng mga prime commodities.
Aniya, inaabot umano ng hanggang sa tatlong buwan bago maaprubahan ang price adjustment proposal ng mga negosyante sa DTI.
Kauganay nito, kinakailangan pang suriin muna ng ahensiya katuwang ang Price Coordinating Council kung dapat talagang magkaroon ng paggalaw sa presyo ng mga basic necessities.
Samantala, kahit nagkaroon ng price adjustments, hindi naman umano lahat ng negosyante ang nagdagdag ng presyo sa kanilang mga produkto.