Inurong ng lokal na pamahalaan ng Naga ang implementasyon ng paggamit ng mga establisyemento sa E-SALVAR contact tracing app.
Sa halip aniya na Oktubre 18 ang pormal na implementasyon ng naturang ordinansa ay inurong ito sa Nobyembre 1.
Sa inilabas na impormasyon ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na ito ay batay na rin sa kahilingan ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) na katulong ng lungsod sa pag-establish ng e-Salvar.
Ayon dito, ito ay para mabigyan pa ng sapat na panahon ang bawat establisyemento sa pagsisimula ng pagpapatupad ng nasabing ordinansa.
Samantala, nilinaw ni Legacion na maaari nang magsimula ang mga establisyementong gusto ng magpatupad nito gayundin ang mga nakapagsimula na ay maaari nang magpatuloy sa naturang implementasyon.