NAGA CITY- Inaasahan ngayong linggo ang pagpapatupad ng early closure para sa School Year 2019-2020 sa ilang mga paaralan sa lahat ng antas sa Japan.
Ito’y may kaugnayan parin sa banta na dala ng coronavirus disease 2019.
Sa report ni Bombo International Correspondent Nonilyn Bravo mula sa Tokyo, Japan, sinabi nitong maituturing na umano itong early closure para sa nasabing school year sa naturang lugar.
Una rito, hiniling aniya ng Prime Minister ng Japan ang pagsuspende na ng pasok sa lahat na level sa mga pampubliko at pribadong paaralan upang maiwasan na mahawa ang mga bata ng naturang sakit.
Ngunit hati aniya ang naging reaksyon dito ng mga mamamayan at ibang mga grupo ngunit agad namang tumalima ang ilang mga school heads.
Samantala, sa loob ng 36,000 na mga paaralan sa Japan tinayang aabot sa 12,000 mga estudyante aniya ang posibleng maapektohan ng nasabing early closure.Top