NAGA CITY- Napapanahon na umano ang pagdeklara ng state of economic emergency sa ating bansa dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Ayon kay Andrew Arellano, Instructor sa Department of Agriculture Economics sa CBSUA, sinabi nito na panahon na para ideklara ito upang mas mapabilis nito ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong sector.
Matutulungan din nito ang gobyerno na magtala ng price cap upang maiwasan nag paglobo sa presyo ng langis.
Madadagdagan din ang mga ayuda na maiibibigay sa mga apektado dahil maliban sa national government funds, maari na rin gamitin ng local government unit ang kanilang pondo para sa emergency purposes.
Dagdag pa ni Arellano, posibleng makaapekto ang patuloy na oil price hike sa produksiyon at sa negosyo sa loob ng bansa.
Ito’y dahil posibleng mawalan ng motibasyon ang mga producers na mag-produce ng kanilang produkto o magbawas ng supply na magreresulta sa shortage of supply ng iba’t ibang produkto.