NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng Philippine Satistics Authority (PSA)-Bicol ang labis na pagbagsak ng ekonomiya ng Bicol Region noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa naging pahayag ni Engr Cynthia Perdiz, Regional Director ng PSA-Bicol sa isinagawang press conference ng ahensiya, sinabi nito na bumagsak sa 8.4% ang ekonomiya sa rehiyon o katumbas ng 3.0% na share sa Gross Domestic Product (GDP).

Kung saan, pangunahing contributors sa pagbaba ng GRDP ay ang constructions, transportation and storage at iba pang mga serbisyo.

Samantala, umangat naman sa 9.0% ang Government Final Consumption Expenditure (GFCE) sa rehiyon habang bumaba naman ang industry expenditure sa 13.6%.

Sa ngayon, umabot naman sa P84,362 ang per capita GRDP/GRDE ng rehiyon na labis na mababa sa 9.3% mula sa P93,050 per capita GRDP/GRDE noong 2019.