NAGA CITY- Maikokonsidera umanong malaking dagok ang banta na dala ng Novel Coronavirus (COVID-19) sa bansang Japan.
Ito’y kaugnay ng pagsasara ng ilang mga kilalang establisyimento, negosyo at tourist destinations sa nasabing lugar.
Sa report ni Bombo International Correspondent Nonilyn Bravo ng Tokyo, Japan, sinabi nitong halos isang buwan pa lamang ng maitala ang nasabing
sakit sa kanilang lugar subalit malaki na agad ang epekto nito lalo na sa negosyo at turismo.
Ayon kay Bravo, ang dating magandang ekonomiya ng Japan, masasabing nagsisimulang ng mapilay ngayon dahil sa banta ng nasabing sakit.
Subalit bilang first world country naniniwala siya na agad rin naman itong makakabawi.
Kung maaalala, umabot na sa mahigit 230 confirmed cases at 705 na iba pang kaso mula sa MV Diamond Cruise Ship ang naitala sa nasabing bansa.