NAGA CITY- Nakikita na umano ngayon ang epekto sa ekonomiya sa bansang Chile matapos ang sunod-sunod na mass protest sa lugar at pagkakaroon ng COVID-19 crisis .
Sa report ni Bombo International Correspondent Mary Anne Millapre Milait, sinabi nito na bago pa magkaroon ng COVID-19 crisis sa bansa, una ng nagkaroon ng mga protesta ang mga mamamayan sa dahil sa kagustuhan na paalisin na sa pwesto ang kanilang presidente.
Ngunit dahil sa pagkakaroon ng kaso ng COVID-19, pansamanatala muna umanong natigil ang mga protesta.
Sa kabila nito, sa ngayon malaki na umano ang ibinagsak ng ekonomiya ng Chile dahil sa mga pangyayari.
Ngunit sa kabila nito, nasa mabuting kalagayan na ang mga Pinoy sa nasabing bansa.
Ipinagpapasalamat naman ni Millapre na wala pa itong nababalitaan na kababayan na nahawaan ng nasabing virus.
Kung sakali naman umanong gustong lumabas ng mga Pinoy dito at iba pang dayuhan, kailangan umanong makakuha ng pass dahil kung wala maaaring mahuli ang mga ito at siguradong maaring mag multa ng malaking halaga.