NAGA CITY- Hindi pa rin pinapayagan na maturukan ng COVID-19 vaccines ang mga estudyante na nag eedad 14-anyos pababa sa Japan.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Myles Beltran, mula sa Tokyo, Japan, sinabi nito na sa kabila ng pagsasagawa ng face to face classes mula pa ng nakalipas taon, hindi pa nirerequire ng kanilang gobyerno ang mga elementary students na magpabakuna laban sa nakakamatay na sakit.
Kung saan, ang mga Junior High School students o mga nag-eedad 15-anyos pataas na gustong magpabakuna lamang ang pinapayagan.
Mahigpit rin aniya na ipinapatupad ang pagsusuot ng facemask at paggamit ng alcohol sa loob at labas ng classroom bilang proteksyon ng mga estudyante sa nasabing virus.
Sa kabilang panig, pinapadali na rin ni Prime Minister Fumio Kishida ang pagtuturok ng booster shots matapos silang makapagtala ng Omicron variant.
Sa ngayon, nasa 72% na ng populasyon ng Japan ang nabakunahan na laban sa nasabing sakit kung saan kasama na dito ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Japan.
Agad naman na sinumulan ang pagbabakuna ng booster shot kahapon, Disyembre 1 matapos na maitala ang kaso ng nasabing variant.
Prayoridad nito na mabakunahan ang mga empleyado ng ibat-ibang kompanya.
Piglilinaw ni Beltran, mayroon pa ring mga residente ang naniniwala na mas makakabuti aniya na hindi mabakunahan laban sa nakakahawang virus.
Samantala, may iilan aniya na nag aantay pa na magkaroon ng sariling bakuna ang Japan bago magpabakuna bilang proteksyon sa sakit.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpapaalala ng pamahalaan ng nasabing bansa na laging mag ingat dahil na rin sa banta ng panibagong variant ng COVID-19.