Umabot na sa 188 porsiyento ang occupancy rate ng Emergency Room ng Ospital ng Maynila Medical Center nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 15, dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
Kaugnay nito, pinayuhan ang publiko na magtungo muna sa iba pang kalapit na ospital na may sapat pang kapasidad upang makatanggap ng mga pasyente at maiwasan ang mas mahabang oras ng paghihintay.
Samantala, nakahanda naman ang mga ambulansya ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department sakaling kailanganing ilipat ang ilang pasyente sa ibang pagamutan.
Advertisement













