NAGA CITY– Nagpapatuloy ngayon ang hot pursuit operation ng mga otoridad matapos makabakbakan ng mga tropa ng gobyerno ang mga rebeldeng grupo sa Barangay Malaya, Labo, Camarines Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Jose Aceret, Executive Office ng 96th Infantry Battalion, Philippine Army, sinabi nitong nagsagawa ng combat operation sa lugar ang mga kasundaluhan ngunit pasado alas 8:15 kaninang umaga nang makasagupa ng mga ito ang mga miembro ng rebeldeng grupo.

Ayon kay Aceret, pinaniniwalaang may mga sugatan sa mga rebelde matapos ang palitan ng putok ng magkabilang panig.

Maj. Jose Aceret, Executive Office ng 96th Infantry Battalion, Philippine Army

Naniniwala naman si Aceret na nais ng mga rebelde na mabawi ang naturang lugar ngunit hindi aniya ito papayagan ng tropa ng gobyerno lalo na at kaisa na rin ng pamahalaan ang mga residente sa lugar.

Kung maaalala, kamakailan lamang ng maitala rin ang engkwenrto sa kaparehong bayan kung saan isang rebelde ang napatay habang isang sundao naman ang nasugatan.