NAGA CITY- Patuloy ngayon ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga otoridad matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga militar at rebeldeng grupo sa Brgy. Abo-abo, Mauban Quezon

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinasabing habang nagsasagawa ng combat
patrol ang 1st Infantry Battalion, Philippine Army sa lugar sa pamumuno ni 1Lt. Ematong ng mangyari ang bakbakan sa pagitan ng mga ito.

Tinatayang nagtagal ang palitan ng putok ng mahigit 30 minutos.

Kaugnay nito, narekober din sa mga ito ang isang M16 riffle na may magazine at backpack na pinaniniwalaang pag-aari ng ng isa sa mga rebelde.

Samantala, pinaniniwalaan namang ilan sa mga ito ang nasugatan dahil sa naiwang bakas ng dugo sa pinangyarihan ng nasabing engkwentro.