NAGA CITY- Dapat na umanong buohin ang Epidemiologist Surveillance Unit sa lalawigan ng Camarines Sur bilang bahagi ng paghahanda sa kumakalat na 2019 Novel Coronavirus.
Sa pagharap ni Dr. Rey Millena, ng Department of Health -Camsur sa Sangguniang Panlalawigan, sinabi nito na dapat may sarili ring mga staff at sasakyan para sakali mang may makapitang residente ng naturang sakit ay agad na madadala sa ospital.
Ngunit ayon kan Millena, kinakailangan ang mga guidelines na dapat sundin upang makabuo ng nasabing Epidemiologist Surveillance Unit na inaasahang ilabas sa darating na Lunes.
Habang dapat naman aniyang handa lagi ang mga ospital ng probinsya at ang mga programa ng mga ahensya ng pamahalaan para sa nasabing sakit.
Samantala, nilinaw naman ni Dr. Rey Millena, na sa ngayon ay wala pa namang person under investigation o ano mang pinaghihinalaang apektado ng kumakalat na sakit lalawigan.
Ito’y natapos muling kumalat ang mga impormasyon na mayroong isang pamilya ng Chinese na mula sa Wuhan City na nakapasok sa naturang lalawigan.