European Civil Protection and Humanitarian Aid Operations (ECHO), together with the Philippine Red Cross Camarines Sur, visited Borong-borongan Milaor, Camarines Sur.

NAGA CITY – Binista ng European Civil Protection and Humanitarian Aid Operations (ECHO) an Philippine Red Cross Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maria Felisa Badiola, OIC ng Philippine Red Cross Camarines Sur Chapter, sinabi nito na naging model ang lalawigan ng Camarines Sur sa pagresponde sa mga operasyon sa mga lugar na nangangalangan ng kanilang tulong, gaya na lamang ng relief operation, cash grant at iba pa.

Ayon kay Badiola, tinitingnan din ng European Civil Protection at Humanitarian Aid Operations kung paano sila makakapagtrabaho, makakatugon sa mga operasyon at maging kanilang kasosyo.

Bukod dito, ikinatuwa din ng opisyal ang nasabing pagbisita lalo na’t pinagkatiwalaan ang kanilang ahensya at ipinakita kung paano sila magperform.

Dagdag pa ni Badiola, hindi nila inaasahan na bibisitahin sila ng ECHO, at tumanggap lamang sila ng tawag mula sa National Head Quarter.

Binisita din nila kasama ng ECHO ang mga benepisyaryo partikular sa Borong-borongan Milaor. Positibo rin ang feedback mula sa kanila na ikinatuwa naman ni Badiola.