NAGA CITY- Patuloy ang paghahandang ginagawa nang lokal na pamahalaan ng Naga City bilang antisipasyon sa magiging epekto ng Tropical Depression Opong.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Annabelle Vargas, head ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Naga, sinabi nito na inihanda na ang mga evacuation centers sa lungsod para sa inaasahang mataas na bilang ng mga evacuees.

Ayon kay Vargas mayroong tatlong evacuation centers sa Naga City ang JMR Coliseum, Santa Cruz event center at PAGCOR.

Dagdag pa nang opisyal, tinitiyak nang kanilang opisina katuwang ang iba pang mga ahensiya na nasa maayos ang naturang mga evacuation center lalo pa’t inaasahan na tatas ang lebel tubig dahil maraming ulan din ang dala nang nasabing bagyo.

Advertisement

Handa na rin ang ipamimigay na relief goods at kasalukuyang dinaragdagan ito dahil sa inaasahang pagdami ng bilang ng mga evacuees.

Ayon naman sa City Disaster Risk Reduction Management Office una nang nagpatawag nang meeting si Naga City Mayor Leni Robredo sa City Disaster Risk Reduction Management Council at Barangay Disaster Risk Reduction Management Council upang maging handa ang lahat sa inaasahang pananalasa ni Bagyong Opong.

Isa sa mga inayos ang Communication flow ng mga Barangay at City Hall upang makapagresponde sa mga tawag na natatanggap ng Communication Center.

Kaugnay nito, ang 27 Punong Barangay lamang ng lungsod ang magbibigay ng update sa Communication Center upang maiwasan ang kaguluhan sa panahon ng kalamidad.

Maliban dito nagpapatuloy din ang pag-assess sa mga drainage system sa buong lungsod upang maiwasan ang pagbabaha dulot ng sama ng panahon.

Samantala, itinaas na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang red alert status sa buong lalawigan ng Camarines Sur dahil sa bagyong Opong.

Nagkansela na rin ng pasok sa paaralan ang ilang bayan sa lalawigan ng Camarines Sur bilang paghahanda sa nasabing bagyo.

Sa ngayon, lahat ng local agencies, barangay officials, at emergency response teams an naka-standby upang protektahan at magresponde sa tawag ng mga residente sa nasabing probinsiya.

Advertisement