NAGA CITY- Pumalo na sa mahigit 2,000 pamilya ang inilikas sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa epekto ng Bagyong Tisoy.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ivy Garcia, tagapagsalita ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council – Camarines Norte, sinabi nitong sa ngayon may 2,119 families na ang nananatili sa evacuation centers o nasa 7, 424 individuals.
Ang naturang mga evacuees ang mula sa 40 barangay sa buong lalawigan kung saan ang Vinzons ang may pinakamalaking bilang.
Sa kabilang dako, isang thypoon related incident naman ang naitala sa bayan ng Paracale habang patuloy namang binebereipika ng mga otoridad ang ilan pang insidente sa bayan ng Labo.
Samantala, nagpatupad naman ng liquor ban sa bayan ng Daet kasabay ng pananalasa ng Bagyong Tisoy.