NAGA CITY- Nananatiling malaking problema ng mga magsasaka ang farm gate price ng palay sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Marcos Quico, Provincial Agriculturist ng Surigao Del Sur, sinabi nito na kailangan ng gobyerno ng Pilipinas na makahanap ng konkretong solusyon kung paano mapapangalagaan ang interes ng mga magsasaka lalong lalo na sa bentahan ng palay.
Ayon pa kay Quico, ang palay ay isang seasonal crops na madalas kung kailan nasa peak na ito ng harvest, saka naman mas mababa ang offer ng mg traders.
Dagdag pa nito, may mga computation ang mga expert sa presyo ng palay.
Halimbawa, na lamang umano na kung P14.00 ang presyo ng kada kilo ng palay, P7.00 ang production expense, mayroong P7.00 na kita ang mga magsasaka.
Ang problema dito, dahil ginagawang marginalized ang mga magsasaka bilang land holder.
Samantala, sinabi naman ni Quico na kung totoong na-threaten ang mga domestic traders ng palay sa importation, bakit umano nagbaba ang presyo ng bigas sa merkado.
Kung titingnan, kapag nadadagdagan ang bigas kasama na ang local production at importation kung pagbababasehan ang law of supply nad demand, dapat bumababa na ang presyo ng bigas sa merkado publiko.
Sa ngayon, panawagan na lamang ni Quico sa mga opisyal ng gobyerno na seryosohin ang naturang isyu.