NAGA CITY- Abo na at nakahiwalay pa ang ulo sa katawan nang matagpuan sa gilid ng kalsada ang isang fetus sa Lopez, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Rayo Naga kay PSMS Roman Edora, Chief Investigator ng Lopez Municipal Police Station, sinabi nito na tinatayang nasa 6 hanggang 7 buwang gulang na ang naturang lalaking fetus.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isang residente ang nakasaksi na isang lalaki at babae na nakasakay sa isang motorsiklo ang nakitang nagsusunog sa lugar.

Kaagad naman nilapitan ng saksi ang lugar nang makaalis ang mga suspek at dito na nga nakita ang fetus na maliban sa sunog na, nakahiwalay pa ang ulo sa katawan.

Samantala, hindi pa batid ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek kung kaya patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.