Bigong makausad si Filipina boxer Nesthy Petecio sa final round ng 2024 women’s 57kg boxing division sa nagpapatuloy na Paris Olympics 2024.

Ito ay matapos talunin ni Polish slugger Julia Szeremeta sa kanilang laban ngayong araw sa women’s 57kg boxing division semifinals.

Panalo si Szeremeta laban kay Petecio via split decision.

Samantala, sa kabila naman ng pagkatalo, mag-uuwi naman ng bronze medal ang Filipina boxer.