Nasungkit ni Carlos Yulo ang pangalawang gintong medalya ng Pilipinas sa isinagawang finals ng men’s vault sa Bercy Arena.
Naitala ni Yulo ang 15.100 sa kanyang unang vault at 14.800 para sa pangalawa para sa competition-best na 15.166.
An 24-year-anyos na atleta sinimulan ang kanyang golden performance sa pamamagitan ng near-perfect Dargulescu vault na mayroong 6.0 difficulty na nagbigay sa kanya ng 15.433.
Gumawa ng kasaysayan ang panalo ng atleta na dahil pinatunayan nito ang tibay, dedikasyon at galing ng mga Pilipino sa larangan ng sports.
Ito na ang pangalawang medalya ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024 at pangatlong gintong medalya ng bansa sa Olympics matapos makuha ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal sa weightlifting.