NAGA CITY- Hindi umano maiwasan ng Filipino Comunity sa Hong kong na makaramdam ng hiya dahil sa hindi nila maipakita ang supporta sa democracy movement dahil sa pagiging tahimik ng Pilipinas sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa nasabing lugar.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, kinompirma nito na hindi lamang umano mga mamamayan ng Hong kong ang makikita na nag rarally sa lugar.
Ito’y matapos na nagpasa na ng resolution ang mga bansang US, Canada at Australia na nagsusuporta sa mga pro-democracy.
Ayon kay Sadiosa, inaasahan na pati ang iba pang bansa ay magpapasa narin ng batas upang suportahan ito.
Aniya, nahahati ngayon ang desisyon ng mga Pilipino dahil hindi maibibigay ng mga ito ang supporta sa mga pro-democracy dahil alam aniya ng mga ito ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Samantala, sa kabila nito wala naman aniyanh napabalitang nakaranas ng diskriminasyon ang mga pinoy sa loob ng pitong buwang pag protesta ng mga mamamayan sa lugar.