Isasapinal sa darating na Miyerkules ang pinal na ulat kaugnay ng naganap na barilan sa Senado noong Mayo 13, habang patuloy na kinakalap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga CCTV footage at iba pang ebidensya.

Isasapinal sa Miyerkules ang pinal na ulat kaugnay ng naganap na barilan sa Senado noong Mayo 13, ayon sa mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, patuloy na kinakalap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kopya ng CCTV footage bilang bahagi ng imbestigasyon.

Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang hakbang matapos ihayag ni Acting Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na limitado ang nakuha nilang CCTV recordings mula sa insidente.

Advertisement

Ayon kay Aplasca, walang nakuhang footage na direktang nagpapakita sa aktwal na galaw ng mga tauhan ng Senado at Philippine Marines habang nagaganap ang putukan.

Samantala, binigyang-diin ni Remulla na may hawak din silang video mula sa media press na kasalukuyang sinusuri ng mga awtoridad bilang bahagi ng imbestigasyon.

Matatandaan na sumiklab ang kaguluhan matapos muling magpakita sa Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasunod ng anim na buwang pagliban.

Ang kanyang pagliban ay naiuugnay sa mga naunang espekulasyon tungkol sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Sa imbestigasyon ng ICC, iniuugnay si Dela Rosa bilang “indirect co-perpetrator” kaugnay ng kaso ng war on drugs.

Advertisement