NAGA CITY- Nakapagtala ng fish kill sa bayan ng Buhi, Camarines kahapon, Hulyo 23, 2024.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Buhi, ang nasabing insidente ay dahil sa sunod-sunod na pag-uulan na dala ng Habagat na mas lalo pang pinalakas ng Bagyong Carina.
Kaugnay nito, umabot sa nasa 4, 990 kilo ng tilapia ang na harvest sa Sta. Clara, Sta Elena, Ipil at Salvacion.
Habang umabot naman sa nasa 13 na mga fish cage operators an naapektuhan ng nasabing pangyayari.
Samantala, bagsak presyo ang bentahan ng tilapya sa lugar na umabot sa P20.00 ang kada kilo subalit ang buhay pa ay pumapatak sa P100.00 bawat kilo.