NAGA CITY- Naitala ang pagfish kill sa bayan ng Buhi sa probinsya ng Camarines Sur matapos ang pananalasa ni Bagyong Quinta.

Sa naging pahayag ng lokal na gobyerno ng nasabing bayan napag-alaman na ilang mga lokal na mangingisda ang unang nakapag-ulat ng naturang insidente.

Pinaniniwalaan na ang naturang bagyo ang dahilan ng pagkamatay ng naturang mga isda kung saan nangyari ito sa parte ng barangay Cabatuan, Tambo, Ibayugan, at Iraya sa nasabing bayan.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Lake Development Office (LDO) sa naturang insidente.