NAGA CITY-Inaasahan nang mga kapulisan na dadagsain ng mga deboto ni Ina Penafrancia ang isasagawang Fluvial Procession ngayong hapon sa lungsod ng Naga.
Kaugnay nito, Ayon kay PLTCOL. ERROL Garchitorena Jr. ang Deputy City Director for Administartion ng Naga City Ploice Office, sinabi nito na nagdagdag na ng mga tauhan ang PNP upang matiyak na magigin maayos at walang maitatalang anuman na insidente sa pagsasagawa sa nabanggit na procession.
Tintayang aabot naman sa 152 na mga bangka ang sasama at makikiisa sa isasagawang fluvial procession mamayang hapon at tanging nasa 150 na mga pasahero lamang ang papayagan na makasakay sa pagoda at hindi pa rito kasama ang mga crew nito maging ang mga medical staff.
Hindi rin papayagan ang mga unathorize individual na sumampa lalo’t higit ang pagbabawal sa paglangoy ng mga deboto sa ilog upang makasakay o makalapit sa nabanggit na pagoda.
Maaalala na ang Fluvial Procession ang hudyat ng pagtatapos ng selebrasyon ng Penafrancia Festival o ang pagbalik na ni Inang Penafrancia at El Divino Rostro sa Penafrancia Shrine mula sa siyam na araw na novena sa Metropolitan Cathedral sa paraan ng pagoda o pagdaan sa Naga River bago ito tuluyang iprusisyon pabalik sa kanyang tahanan.
Ayon pa kay Garchitorena nai-deploy na kaninang umaga ang mga PNP personnel at mga kasundaluhan sa mga rutang daraanan ni Ina Penafrancia at ni El Divino Rostro sa may bahagi ng Naga River at mayroon narin na nakalatag na mga barikada.
Dagdag pa ng opisyal asahan din ang pagkakaroon ng signal jamming sa mga rutang dadaanan pero naka depende pa rin sa sitwasyon magin man an mga isinarang ruta para sa clearing ng mga sasakayan.
Samantala, inaasahan rin na magsisimula ang fluvial procession bandang alas-4 ng hapon mamaya, at umaasa at pinapanalangin rin ng opisyal na magiging maganda ang panahon ngayong araw upang hindi magkaroon ng delay.
Sa ngayon, panawagan na lamang ng opisyal sa lahat ng kasama at aattend sa nasabing prusisyon na sumunod sa lahat ng patakaran na ipapatupad nila upang maiwasan ang anuman na klase ng problema.