NAGA CITY- Nakatakdang ipatupad ang force evacuation sa anim na bayan sa lalawigan ng Camarines Sur na kinokonsidera bilang high risk areas.

Itoy bahagi ng paghahanda ng Bicol sa pwedeng maging resulta ng pananasala ng Bagyong Tisoy sakaling tumama na sa Kabikolan.

Sa naging pagtitipon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), tinukoy ng mga ito ang mga bayan ng Garchitorena, Caramoan, Siruma , Lagunoy, Buhi at Sangay na mga landslide at flood prone areas.

Maliban dito, sa data ng PDRRMC nasa 149 barangay sa lalawigan ang pweding maapektohan ng storm surge, 882 ang mga apektado ng pag baha habang 262 barangay ang nasa landslide prone area.

Samantala, ipinatupad narin ang no sail policy sa lalawigan at suspension of clases sa december 2.

Sa ngayon, naka activate narin ang provincial insident management team sa ibat-ibang lugar sa lalawigan.

Nabatid na ayon sa pagasa pagkatapos mag landfall sa cantanduanes sunod na tatahakin ng bagyong tisoy ang Partido area bago tumaas sa Camarines Norte.