NAGA CITY – Nauwi sa katutuwaan ang nangyaring procalamation Rally ng Team One CamSur sa bayan ng Pili matapos na tila’y nakalimutan ni Atty Salvador Panelo na nasa balwarte ito ng mga Bicolano.

Mababatid na una ng nagpahayag ng suporta ang dating presidential legal counsel na ngayo’y isang senatorial aspirant sa kandidatura ni Former Senator Bongbong Marcos.

Sa nangyaring kasing Rally sa kapitolyo ng probinsya, makikitang sa una kinakampanya ni Panuelos si Bongbong Marcos ngunit ang sinisigaw ng mga nakilahok sa rally ay ang pangalan na “Leni”.

Sa kabila nito, bigla na lamang sinabi ng opisyal na kanyang susuportahan ang presidenteng kapwa neto Bicolano. Bagay na tumutukoy kay VP Leni Robredo.

Inibunyag din ng opisyal ang pagiging malapit nila ni Robredo.

Sa pahayag ni Panelo nilinaw nito na hindi ito balimbing at mananatili ang kanyang suporta sa iisang kandadito lamang.

Inamin din ng senatorial aspirant napahiya ito sa nasabing rally.

Sa kabila nito, nagpaabot naman ng pasasalamat ang opisyal sa pagkakataon na ibinigay ng mga Bicolano upang ipakilala ang kanyang sarili.

Humingi rin ng despensa si Panelo sa lahat ng kanyang taga-suporta at sinabing hindi nito iiwan ang kanyang presidente at ang buong UniTeam.