NAGA CITY- Umabot na sa mahigit 30 ang bilang ng mga frontliners ang nag positibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon province.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, Provincial Health Officer ng nasabing lugar sinabi nito na sa kabuuang bilang na 59
confirmed cases, 28 dito ay mga health care workers habang 6 naman dito ay ang gumaling na at 7 ang nasawi.
Kaugnay ito ng una ng isinagawang mass testing sa lugar kung saan ayon kay Santiago inaasahan na nito ang biglang paglobo ng nasabing bilang.
Ito’y dahil sa ngayon lamang lumabas ang mga resulta ng mga sample na ipinadala ng probinsya direkta mismo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Una ng sinabi ni Santiago na nakakabahala na ang pagtaas ng kaso ng mga frontliners na tinatamaan ng coronavirus disease sa nasabing probinsya.