NAGA CITY- Patay ang isang fruit vendor matapos na pagbabarilin sa Tiaong, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Cristopher Dita Magbayao, 40-anyos, residente ng Sitio Sandig, Brgy. Bukal sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang pignagmamaneho ng biktima ang kaniyang tricycle ng bigla na lang itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga otoridad, mababatid na dahil sa insidente nagtamo ng mga tama ng bala nang baril ang biktima sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan na agad namang dinala sa ospital upang gamotin ngunit sa kasamaang palad ideniklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.
Samantala, agad namang tumakas ang suspek sa hindi pa matukoy na deriksyon habang nakuha naman sa pinangyarihan nang insidente ang tatlong pirado na bala ng caliber.45 na baril.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang pag-aalaman sa pagkakakilanlan at paghahanap sa posibleng kinalalagyan ng suspek.