Nanawagan ng agarang pakikialam sa United Nations (UN) ang Ministry of Social Development ng Gaza upang maprotektahan ang mga sibilyan laban sa patuloy na pag-atake ng Israel.

Kasunod ito ng muling paglulunsad ng Israel ng malawakang operasyong militar sa Gaza.

Ito ang kauna-unahang malawakang operasyong militar sa central Gaza mula nang lagdaan ang ceasefire agreement noong Oktubre 2025.

Ayon sa militar ng Israel, tinawag nilang “concentrated operations” ang kanilang opensiba na isinagawa sa tatlong lugar sa central Gaza. Layunin umano nitong alisin ang mga banta sa kanilang mga puwersa sa nasabing lugar.

Advertisement

Samantala, kinondena naman ng Hamas ang naturang operasyon at iginiit na paglabag ito sa napagkasunduang ceasefire agreement.

Advertisement