NAGA CITY- Nanindigan si Ako Bicol Partylist Rep. Pido Garbin Jr. na kinakailangan nang ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang ilang mga lugar sa bansa na una ng isinailalim sa Enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.
Sa naging pahayag ni Garbin, sinabi nitong wala manag sanang problema kung nais pang palawigin ng ibang mga lugar ang ECQ ngunit kinakailangan din aniyang ikonsidera ang sitwasyon ng mga mahihirap.
Ayon kay Garbin, ayaw aniya ng pamahalaan na magutom ang mga pamilyang Pinoy dahil sa ECQ.
Kaugnay nito, tiniyak ni Garbin na pinag-aralang mabuti ng Inter-Agency Task Force ang naturang hakbang bago tuluyang ipinatupad.
Kung maaalala ilang lugar sa Bicol ang nag-apela sa IATF na manatili ang ECQ dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng COVID-19 sa rehiyon.