NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng isa sa mga sumukong GCTA benificiary na sumuko siya para malaman kung ano ang magiging hakbang ng pamahalaan para sa kanila.
Ito’y matapos muling ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasuko sa mga napalayang mga convicted criminals dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law sa loob ng 15 araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jerome Potencio, sinabi halos apat na taon din siyang nanatili sa kulungan matapos naharap sa kasong rape at nagkaroon ng pagkakataong mapalaya noong 2016.
Ayon kay Potencio, nabigla siya nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasuko sa lahat ng napalaya sa ilalim ng naturang batas.
Samantala, hindi naman naiwasan ng pamilya ni Potencio na mag-alala dahil may iniinda na aniyang sakit na tuberkulosis ang padre de pamilya na nakuha nito sa loob ng kulungan