NAGA CITY- Prayoridad umano ngayon ng gobyerno ng Italy ang mga mamamayan na maysahod na hindi bababa sa P40,000 sa loob ng isang taon, dahil sa kasalukuyang kinaharap ng bansa sa Coronavirus desease.

Sa Report ni Bombo International Correspondent Rosa Satuito, sinabi nito na sa ngayon double ingat na umano ang ginagawa ng mga tao sa lugar ngunit sa kabila nito patuloy paring tumataas ang kaso ng Coronavirus desease.

Ayon kay Satuito, may oras narin umano ang pag sakay sa mga pampublikong sasakayan ng mga papuntang trabaho o papunta sa market.

Puno narin pati ang mga ospital sa lugar kung kaya mas pinahigpit ang pagbabawal sa mag taong lumabas sa kani-kanilang mga bahay.

Sa kabila nito, apektado narin pati ang mga pinoy na OFW dahil sa kasalukuyang setwasyon, ngunit ayon sa ipinatupad na kautusan mula sa gobyerno ng Italy bawal muna ang mga itong tanggalin sa trabaho habang patuloy pang nanalasa ang nasabing sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 3,405 ang numero ng namatay dahil sa Covid-19 sa Italy, kung saan ito na umano ang pinaka centro na may pinakamataas na bilang ng mga namatay dahil sa Covid-19 outbreak, pinakamtaas sa bansang China.