NAGA CITY – Alam ba ninyo mga ka-Bombo, hindi nagdalawang isip at agad na iniwan ng isang bride sa India sa mismong kasal nito ang kaniyang groom matapos na hindi nito marecite ang simpleng multiplication table by 2.

Bago pa umano ang kasal ay may nagdududa na ang bride sa education background ng kaniyang mapapangasawa, ito’y matapos na hindi ilahad ng pamilya ng groom kung saan ito nag-aral.

Dahil dito sa mismong araw ng kanilang kasal ay tinanong ng babae ang kaniyang magiging asawa na i-recite ang multiplication table by 2 ngunit hindi ito nakasagat.

Pakiramdam umano ng bride ay nagsinungaling sa kaniya ang kaniyang mapapangasawa maging ang mga kamag-anak nito.

Napag-alaman rin na nananatiling mataas ang naiitalang kaso ng arranged marriage sa India.

Samantala, noong namang taong 2015, may nag-walk out rin na bride sa naturang bansa matapos naman na sagutin ng isang groom ng 17 sa tanong na 15+6.