NAGA CITY – Epektibo simula ngayong araw ang ipinatupad na gun ban sa buong lungsod ng Naga kaugnay ng Peñafrancia festival.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid magtatagal ng 11 araw ang naturang gunban hanggang sa Setyembre 22.
Kaugnay nito, nanawagan ang kapulisan sa pangunguna ni PCol. Felix Servita, City Director ng Naga City Police Office (NCPO) sa lahat na may -ari ng baril na suspendido muna ang lahat ng Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR).
Ang lahat ng mga law enforcement agencies lamang aniya na mangunguna sa security measures ang papayagang magdala ng baril sa durasyon ng malalaking aktibidad hanggang sa pagtapos ng Peñafrancia festival.
Samantala, tiniyak naman ng mga otoridad ang seguridad ng milyong mga deboto na sasabay bukas sa traslacion procession ng Imahe ni Nuestra Señora de Peñafrancia at El Divino Rostro.