NAGA CITY- Patay ang isang guro matapos magpatiwakal sa Atimonan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Justin Willard Bola, 29-anyos, residente ng Brgy Zone 1 Poblacion, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bago ang insidente, nagpadala ng mensahe ang biktima sa kanyang live-in partner na kinilalang si Michelle Valdez, 28-anyos patungkol sa kanyang planong pagpapatiwakal dahil sa umano’y pinansyal na problema.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na kaagad namang tinawagan ni Valdez ang land lady ng tinitirhan na boarding house ng biktima upang alamin ang sitwasyon ni Bola.
Agad naman na binuksan ng land lady kwarto na inuukopa ng biktima at dito na nito nakita na sumusuka ng dugo ang biktima.
Kaugnay nito, kaagad naman na dinala sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Samantala, lumalabas naman na ang dahilan ng kamatayan ng biktima ang dahil sa kanyang pag-inom ng lason.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.